Cafgu todas sa ambush

MANILA, Philippines - Napatay ang isang miyembro ng Cafgu Active Auxiliary habang nakatakas naman ang kasamahan nito sa naganap na pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa sa Purok Everlasting, Barangay Cuevas sa bayan ng Trento, Agusan del Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Cafgu Larry Cortez habang nakatakbong palayo naman si Bobby Alsada hanggang sa masalubong ang kaniyang mga kasamahang Cafgu. Lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa nang ratratin ng mga rebelde.

Show comments