Rapist nakonsiyensya, nag-suicide

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pinaniniwalaang inusig ang budhi ng isang 66-anyos na amain na sinasa­bing ginawang sex slave ang kanyang anak-anakan makaraang magbigti sa likuran ng kanilang tahanan sa Barangay Igang sa bayan ng Virac, Catanduanes kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nag-suicide na si Bartolome Clemente, 66, habang itinago naman sa pangalang Cory ang biktimang hayskul student na sinasabing anak sa unang asawa ng kanyang ina. Ayon sa ulat ng pulisya, naging sex slave ang biktima simula noong Grade 4 pupil kung saan nadiskubre lamang ang krimen matapos maaktuhan ng utol ng biktima ang kahalayan ni Clemente. Naipaabot naman sa pulisya ang naganap na insidente subalit hindi na nadakma si Clemente dahil nag-suicide ito.

Show comments