Misis iniwan ni mister, nagbigti

QUEZON, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang misis na inabandona ng kanyang mister matapos itong magbigti sa loob ng bahay sa Purok Libis, Barangay Poblacion Bantilan sa bayan ng Infanta, Quezon kamakalawa ng hapon. Ayon kay SPO1 Rommel Valera, dakong alas-5:30 ng hapon ay natagpuan ang nakabiting katawan ni Melojean Briones sa kisame ng kanilang tahanan. Lumalabas sa imbestigasyon na may 3-buwan ng iniwan ang biktima ng kanyang asawa kaya tuluyang nawala sa sarili at nagbigti.

Show comments