^

Probinsiya

Sundalo patay sa kidlat

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hindi sa giyera namatay ang isang sundalo ng Phil. Army kundi sa matalim na kidlat na tumama sa kanyang katawan sa liblib na bahagi ng Barangay Tapodoc, Aleosan, North Cotabato nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Private Luis Saballero ng team Bravo ng 3rd ACT , Light Armor Division sa isinailalim ng Charlie Company ng Army’s 7th Infantry Battalion.

Ayon kay Col. Prudencio Asto, hepe ng Army’s 6th Infantry Division Public Affairs Office, ang biktima ay idineklarang patay sa Cruzado Hospital sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang kumidlat habang nagsasagawa ng security operation ang tropa ng Army’s 7th Infantry Battalion sa nabanggit na barangay.

Ang kidlat ay tumama may 10 metro ang layo sa biktima pero sa lakas ay kumalat ang malakas na boltahe ng kuryente kung saan nangisay ang nasa­bing sundalo.

Inilagak na ang bangkay ng biktima sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang punong himpilan ng Army’s 6th Infantry Division para maihatid sa huling hantu­ngan.

BARANGAY TAPODOC

CAMP SIONGCO

CHARLIE COMPANY

CRUZADO HOSPITAL

DATU ODIN SINSUAT

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

INFANTRY DIVISION PUBLIC AFFAIRS OFFICE

LIGHT ARMOR DIVISION

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with