^

Probinsiya

Mag-amang rapist, 1 pa timbog

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE ,Philippines    —  Magkakasunod na nahulog sa kamay ng batas ang tatlong most wanted person kabilang dito ang mag amang rapist  matapos ang halos tatlong taong pagtatago sa magkahiwalay na operasyon sa bayan ng Labo kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Insp. Godfredo Kinhulle Tul-O, hepe ng Labo Police, unang nahuli sa Purok 6, Brgy. Malatap ang isang 75-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong rape. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rolando De Lemios Bobis ng RTC Branch 64 – Labo, inaresto ng Labo PNP at ng Provincial Public Safety Management Office sa pamumuno ni SPO1 Nestor Pajares Jr., ang suspek na si Angel Bongao Sr. at sa isinagawang follow-up ay sumunod namang nabitag ang anak  nitong si Angel Bongao Jr., 41- anyos, binata. Ang mag ama na kapwa may kinakaharap na kasong rape ay pansamantalang nakakulong sa Labo Distrcit Jail at walang kaukulang piyansang inirekomenda para sa kanilang pansamantalang kalayaan. Samantala, arestado rin ng Labo PNP ang isang suspek na si Elmer Jacob na nahaharap naman sa kasong murder at walang piyansang inirekomenda ang korte.

ANGEL BONGAO

CHIEF INSP

ELMER JACOB

GODFREDO KINHULLE TUL-O

JUDGE ROLANDO DE LEMIOS BOBIS

LABO

LABO DISTRCIT JAIL

LABO POLICE

NESTOR PAJARES JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with