13 anyos ni-rape slay

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit ng isang 13-anyos na 1st year high school student  matapos na halayin ay brutal pang paslangin ng hindi nakilalang salarin saka itinapon ang du­guang bangkay sa damuhan sa Butuan City, Agusan del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Supt. Martin Gamba, Spokesman ng Caraga Police ang biktima na si Darienne Drew Jumao-as Taonon, estud­yante ng Maguinda National High School at residenteng Purok 10, Sitio Bukla, Brgy. Maguinda ng lungsod na ito.

Bandang alas-7:30 ng umaga nitong Huwebes ng matagpuan sa damuhan ng Purok 5 ng naturang barangay ang bangkay ng dalagita na may laslas ang leeg, ang suot na jogging pants ay nasa ibaba na ng isang paa nito, duguan ang ari at tadtad ng mga pasa sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, noong Miyerkules bandang alas-10 ng umaga ay nagpaalam si Taonon sa kaniyang Class Adviser na si Dorothia Jason kung maari ay makauwi umano siya ng maaga dahilan tutulungan pa niya ang kaniyang ina na mag-ani ng mga bunga ng niyog pero nabigo itong makauwi hanggang sa madiskubre ang krimen.

Show comments