^

Probinsiya

3 anyos ginilitan ng ina

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagmistulang manok ang isang 3-anyos na batang lalaki matapos na laslasin ang leeg at ilagay pa sa ibabaw ng mesa upang pugutan ng ulo upang ialay umano sa diablo ng sarili nitong ina na umano’y may diperensya sa pag-iisip sa Brgy. Rabon, San Fabian, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Sa panayam, sinabi ni Pangasinan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Rosueto Ricaforte na agad nasawi sa in­sidente ang biktimang si Mark John Ducusin Abata, habang arestado naman ang suspek na nakilalang si Marivic Ducusin, 42, isang labas masok na pasyente sa mental hospital 

Base sa imbestigasyon, naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng pamilya Ducusin dakong alas-10:50 ng gabi.

Kasalukuyang mahim­bing na natutulog ang mag-iina nang bigla na lamang kumuha ng 17 pulgadang itak ang suspek at laslasin ang leeg ng bata na mistulang manok.

Sa kabila ng duguan na ang anak ay inilagay pa sa mesa ang bata saka ipinatong sa sangkalan para pugutan ng ulo nang makatakbo naman ang kuya nito at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay ng maalimpungatan sa na­rinig na iyak ng pumalahaw ng iyak ang nakababatang kapatid.

Nagresponde naman ang mga  opisyal ng barangay at inabutan pa ang suspek pero patay na ang bata na nilaslas ang leeg.

Buong pagmamalaki umanong sinabi ng ina na nagawa niyang patayin ang anak para ialay umano kay satanas na siya niyang kinikilalang makapangyarihan.

Inaresto naman ng grupo ni Brgy. Captain Jaime Verona ang nasa­bing ina at itinur-over sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

BRGY

BUONG

CAPTAIN JAIME VERONA

DIRECTOR P

MARIVIC DUCUSIN

MARK JOHN DUCUSIN ABATA

PANGASINAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

ROSUETO RICAFORTE

SAN FABIAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with