OLONGAPO CITY, Philippines – Bulagta ang dalawang kalalakihang isinasangkot sa holdapan makaraang makipagbarilan sa mga alagad ng batas noong Linggo ng madaling araw sa bisinidad ng Sta. Rita, Olongapo City. Hanggang sa kasalukuyan simula pa noong Linggo ay bineberipika pa rin ang pagkakakilanlan sa dalawang napatay na holdaper na sinasabing hinoldap ang biktimang si Cherry Peña Villanueva, kawani ng Baluga Cafe Restaurant sa Barangay Banicain. Narekober sa dalawa ang dalawang baril, bag ng biktima na naglalaman ng cash at personal na gamit at motorsiklo.