2 obrero inutas sa jeepney

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa dalawang construction worker matapos ratratin ang pampasaherong jeepney na kanilang sinasakyan sa kahabaan ng Marcos Alvarez Road sa Barangay Molino 2 sa bayan ng Bacoor, Cavite kahapon ng umaga. Namatay habang ginagamot sa Las Piñas Medical Center ang mga biktimang sina Joar Seria, 34; at Eduardo Suarez, 25, kapwa nakatira sa Villa Esperanza sa nasabing barangay. Lumilitaw na nakasakay ang dalawa sa pampasaherong jeepney (TYL-441) ni Dennis Villafe nang pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki pagsapit sa panulukan ng Latero Street sa Brgy. San Nicolas.

Show comments