MILF kumander dedo sa rido

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos makipagsagupaan sa tropa ng Bangsa Islamic Freedom Fighters sa Sitio Baumol, Brgy. Pidtiguian sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat kamakalawa. Kinilala ni Col. Prudencio Asto, acting spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, ang nasawi na si MILF 106th kumander Sampulna Baumol. Ayon sa imbestigasyon, sinalakay ng grupo ni 10th BIFF kumander Gani Saligan ang pinagkukutaan ni Baumol na sinasabing may matagal ng hidwaan ang dalawang grupo sa lupaing pinag-aagawan. Nabatid na si Saligan ay mula sa grupo ni Bangsa Islamic Freedom Movement kumander Ameril Umbra Kato  na nagtayo ng grupo matapos tumiwalag sa Moro Islamic Liberation Front. Joy Cantos

Show comments