Tatay nag-suicide dahil sa Facebook ng anak
QUEZON ,Philippines — Minsan pang napatunayan na malaki ang impluwensya ng social networking site sa buhay ng tao makaraang magbaril sa sarili ang isang 54-anyos na ama dahil napanood nito sa Facebook ang malalaswang larawan ng kanyang anak na babae kamakalawa ng hapon sa Barangay Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon. Dalawang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Buenaventura Ilagan. Ayon kay SPO3 Menardo del Mundo, isinagawa ng biktima ang pagpapakamatay sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay. Narekober ng pulisya ang suicide note na sumama ang loob ng biktima matapos matunghayan nito sa Facebook ang malalaswang larawan ng kanyang anak na babae kaya nagdesisyong pagpatiwakal.
- Latest
- Trending