LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang isang 47-anyos na guro makaraang saksakin ng may-ari ng videoke bar kamakalawa ng gabi sa Barangay Punta, Waling-Waling sa bayan ng Donsol, Sorsogon. Limang tama ng patalim sa katawan ang tumapos sa buhay ni Dante Abainza kung saan hindi na umabot ng buhay sa Donsol District Hospital. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Danilo Lopez, 46. Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen sa labas ng videoke bar na pag-aari ng suspek kung saan kapwa lango sa alak ang dalawa.