^

Probinsiya

3 pulis-PIS sinibak, inihawla

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE  —  Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa serbisyo at makasuhan ang tatlong pulis na nakatalaga sa Provincial Intelligence Section sa Camp Wen­ceslao Q. Vinzons Sr. sa Brgy Dogongan sa bayan ng Daet dahil sa pagkaka­sangkot nito sa pamamaril sa chief security ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado noong Biyernes ng Nobyembre 4.

Ayon kay Gov. Tallado,  ang tatlong pulis na kinilala sa apelyidong Poblete, Magana at Bares ay isinangkot sa krimen matapos lumabas ang kanilang mga pangalan sa cell phone na nakuha sa napatay na gunman na si Juan Villegas Igos ng Brgy Poblacion, Labo, Camarines Norte.

Sugatan naman ang chief security na si (Ret.) SPO1 Ronnie Bardon matapos pagbabarilin sa bahagi ng Brgy. Lagon, Daet.

Nabatid na sina Bares at Magana ay pansamantalang nasa PNP regional office makaraang sibakin ni P/Senior Supt. Roberto Fajardo.  

Sa ulat ni P/Senior Supt. Fajardo mula sa Provincial Peace and Order Council Meeting, si Poblete ay takot na lumantad dahil sa banta sa buhay. 

Sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na ulat ang PNP Crime Lab sa Camarines Norte na sinasabing ang baril na nakuha sa crime scene ay pag-aari ng pulis habang   nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation.  

Una nang ipinahayag ni Gov. Tallado na ang posib­leng ugat ng pamamaril ay may kinalaman sa kanilang kampanya laban sa bawal na droga.

BRGY DOGONGAN

BRGY POBLACION

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGARDO TALLADO

CAMP WEN

CRIME LAB

DAET

JUAN VILLEGAS IGOS

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with