^

Probinsiya

Principal todas sa riding in tandem

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Patay ang isang elementary school principal matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem habang pauwi sa kanilang tahanan sa bayan ng Castilla, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ariel Nebreja, nasa hustong gulang, may asawa, 33 anyos; principal ng Miluya Elementary School at residente ng Sorsogon City.

Ang biktima ay dead-on- arrival sa Sorsogon Doctors Hospital sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa bunganga nito.

Sa imbestigasyon ng Castilla Police, naganap ang pananambang sa biktima habang lulan ito ng kulay pulang Kawasaki tricycle pauwi sa kanilang tahanan sa bisinidad sa may tulay ng Brgy. Mayon, Castilla bandang alas-4 ng hapon.

Hinarang ang tricycle na sinasakyan ng biktima ng motorcycle riding in tandem at tinanong ang driver na si Jory Morinilla kung may pasahero itong nagngangalang Ariel Nebreja.

Isa sa mga suspek ang ipinasubo pa sa biktima ang dulo ng cal.45 pistol saka pinaputukan ito na hindi pa nakuntento ay pinagbabaril pa ito ng sunud-sunod bago nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Kasalukuyan pang ina­alam ng mga awtoridad ang motibo ng krimen habang pinaghahanap na rin ang mga salarin

vuukle comment

ARIEL NEBREJA

BRGY

CASTILLA

CASTILLA POLICE

HINARANG

JORY MORINILLA

LEGAZPI CITY

MILUYA ELEMENTARY SCHOOL

SORSOGON CITY

SORSOGON DOCTORS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with