Shootout: Deputy chief ng PNP, gunman dedo
MANILA, Philippines - Napaslang ang deputy chief of police matapos itong pagbabarilin ng isang maton na didisarmahan sana ng opisyal sa pagkakasangkot nito sa paglabag sa batas trapiko kamakalawa sa Barangay Pahut, Bongao, Tawi-Tawi.
Kinilala ang opisyal na si P/Inspector Erick Fregillana, ng Bongao PNP station habang napatay din ang gunman na si Abdul Sabdani.
Lumilitaw na didisarmahan ni Fregillana si Sabdani dahil sa kasong paglabag sa trapiko nang maganap ang pamamaril bandang alauna y medya ng hapon.
Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ni Fregillana matapos itong bumulagta pero sa halip na sumuko si Sabdani ang mga pulis kung saan nauwi sa shootout na tumagal ng 3-oras.
Narekober sa pinagtaguang bahay ni Sabdani ang M16 rifle, M14 rifle, cal 45 pistol, cal. 38 revolver, rifle grenade at ang homemade airgun.
- Latest
- Trending