^

Probinsiya

Bulate sa dugo treatment inilunsad

- Michelle Zoleta -

LUCENA CITY, Quezon ,Philippines  — Natukoy sa pitong bayan sa Lalawigan ng Quezon ang kaso ng filariasis kung saan ay idineklara ng Department of Health na category 1 endemic province ang lalawigan. Kaugnay nito ay inilunsad ang mass drug administration na ginanap kahapon sa Quezon Provincial Capitol sa pamamahala ng DoH at ng Integrated Provincial Health Office. Nakasaad sa Executive Order 369 na limang taon ang libreng mass treatment sa mga taong may filariasis na gagamitan ng kumbinasyon ng Di-ethyl carbamazine citrate (DEC) at albendazole. Ang filariasis ay isang uri ng parasitic infection na may maliliit na bulate sa dugo mula sa kagat ng lamok at bumabara sa mga kulani sa loob ng katawan na kalimitang naaapektuhan nito ay paa, bayag at suso naman sa mga babae.

DEPARTMENT OF HEALTH

EXECUTIVE ORDER

FILARIASIS

INTEGRATED PROVINCIAL HEALTH OFFICE

KAUGNAY

LALAWIGAN

NAKASAAD

NATUKOY

QUEZON

QUEZON PROVINCIAL CAPITOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with