Iniwan ng nobya, nagbigti

QUEZON, Philippines – Pinaniniwalaang na-depress ang isang 17-anyos na bagets sa pakikipagkalas ng nobya makaraang magbigti ito sa likurang bahagi ng kanilang bahay sa Barangay Sto. Cristo sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga. Sa pakiusap ng mga magulang ay pansamantalang itinago sa pangalang Darryl ang biktima. Ayon kay PO2 Alnor Tagara, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin sa punungkahoy. Nag-iwan ng suicide note sa cellphone ang biktima kaugnay sa pakikipaghiwalay ng kanyang nobya.

Show comments