Mister itinumba sa lamayan

BULACAN, Philippines – Napaslang ang isang 59-anyos na mister matapos ratratin ng dalawang nakaalitan sa lamay ng kapitbahay na namayapa sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Eduardo “Eddie Utak” Nicolas habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Ruperto Mendoza at Ruben Tagalog kapwa nakatira sa Brgy. Lolomboy. Sa ulat ni SPO1 Ferdinand Cabuhat, ang biktima ay sinasabing may atraso sa suspek na si Mendoza ay nagkita sa burol ng kapitbahay kung saan naganap ang pamamaril.

Show comments