MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawa at tatlo nitong anak makaraang pagbabarilin ng grupo ng kalalakihan sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Bagang-bagang, Barangay Midtungok sa bayan ng Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat noong Sabado ng madaling araw.
Sa ulat ng Army’s regional spokesman Lt. Colonel Leopoldo Galon sa Camp Panacan, kinilala ang mag-asawang napaslang na sina Jolie Fegurac, Josephine, Fegurac, mga anak na sina Jonathan, Jerson at Benei Pelitro sa nasabing bayan.
Napag-alamang natutulog ang pamilya Fegurac sa loob ng kanilang bahay nang pasukin at ratratin ng grupo ni Kinting Watamama.
Isa sa sinisilip na motibo sa krimen ay alitan sa pinag-aagawang lupain at business rivalry.
Patuloy naman ang pagtugis kay Watamama at mga kasamahan nito.