MANILA, Philippines - Lima-katao kabilang ang apat na sundalo ang iniulat na nasugatan makaraang sumabog ang inihagis na granada ng mga rebeldeng New People’s Army sa military checkpoint noong Biyernes ng gabi sa highway ng Barangay San Roque, Panabo City, Davao del Norte.
Kinilala ni army regional spokesman Col. Leopoldo Galon ang mga nasugatan sa tropa ng Army’s 69thInfantry Battalion sa mga apelyido lamang Sgt. Tapat, Sgt. de los Reyes, Cpl. Arenasa, Pfc. Laroya at Cafgu Jimentesa.
Dalawang sibilyan na sina Noli Paglinawan at Dominic Camansi ay isinugod sa Rivera Hospital sa Panabo City.
Nabatid na abala sa pag-iinspeksyon sa mga dumaraang behikulo ang tropa ni Lt. Col. Alfredo Patarata at Cafgu sa checkpoint nang hagisan ng granada ng isang rebelde na nagkunwaring sibilyan.
Nabigo namang maabutan ng militar ang tumakas na rebelde kung saan sinamantala ang kadiliman ng paligid.