^

Probinsiya

Checkpoint grinanada: 7 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Lima-katao kabilang ang apat na sundalo ang iniulat na nasugatan makaraang sumabog ang inihagis na granada ng mga rebeldeng New People’s Army sa military checkpoint noong Bi­yernes ng gabi sa highway ng Barangay San Roque, Panabo City, Davao del Norte.

Kinilala ni army regional spokesman Col. Leopoldo Galon ang mga nasugatan sa tropa ng Army’s  69thInfantry Battalion sa mga apelyido lamang Sgt. Tapat, Sgt. de los Reyes, Cpl. Arenasa, Pfc. Laroya at Cafgu Jimentesa.

Dalawang sibilyan na sina Noli Paglinawan at Dominic Camansi ay isinugod sa Rivera Hospital sa Panabo City.

Nabatid na abala  sa pag-iinspeksyon sa mga dumaraang behikulo ang tropa ni Lt. Col. Alfredo Patarata at Cafgu sa checkpoint nang hagisan ng granada ng isang rebelde na nagkunwaring sibilyan.

Nabigo namang maabutan ng militar ang tumakas na rebelde kung saan sinamantala ang kadiliman ng paligid.

ALFREDO PATARATA

BARANGAY SAN ROQUE

CAFGU JIMENTESA

DOMINIC CAMANSI

LEOPOLDO GALON

NEW PEOPLE

NOLI PAGLINAWAN

PANABO CITY

RIVERA HOSPITAL

SGT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with