P7M nalimas sa Tsinoy trader

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya ,Philippines  – Tinatayang aabot sa P7 milyong cash at halaga ng ari-arian ang natangay sa isang lolang Tsinoy trader matapos looban ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa bayan ng Mallig, Isabela kamakalawa. Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya para magreklamo ang biktimang si Jesusa Uy, 80, ng Barangay Centro Dos sa nabanggit na bayan.

Ayon kay P/Chief Inspector Jaime Narne, hepe ng Mallig PNP, nagawang makapasok ng bahay ng biktima ang mga kawatan saka tinangay ang P1 milyong cash, 4-tseke na nagkakahalaga ng P5 milyong at P1 milyong halaga ng mga alahas.

Show comments