4 sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines - Apat katao kabilang ang tatlong miyembro ng isang pamil­ya ang nasugatan matapos na paulanan ng bala sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Christopher Bioc, 41; mga anak nitong sina Christopher Jr., 10 at Erica Bioc; pawang residente ng Brgy. Poblacion sa bayang ito.

Tinamaan naman ng ligaw na bala si Joshua Godoy, 19 anyos na naglalakad sa nasabing lugar ng mangyari ang pamamaril sa mga biktima.

Sa ulat ng Candelaria Police, dakong alas-9:20 ng umaga habang nag-aalmusal ang pamilya ng bigla na lamang sumulpot ang mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo at pagbabarilin ang tahanan ng mga ito saka mabilis na nagsitakas.

Narekobe sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments