5 timbog sa P5M gamot

CAVITE – Rehas na bakal ang binagsakan ng limang kalalakihah na sinasabing miyembro ng Sociro-Manlapaz hijacking group makarang maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay San Nicolas 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Bornio Sociro Jr.; Rogelio Manlapaz, Marcelo Labay Cabanyan Jr., Rosebilly Socito, at si Ramel Pelipel. Sa ulat ni P/Supt. Redrico Maranan, hinaydyak ng mga suspek ang isang truck na naglalamang P5 milyong gamot sa Libis, Quezon City. Matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa hijacking incident ay isinagawa ang ope­rasyon kung saan naaktuhan ang mga suspek na ibinababa ang mga kahon ng gamot papasok ng bodega sa nasabing barangay. Cristina Timbang

Show comments