LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang babae na isinasangkot sa pagbebenta ng lupaing hindi sa kanila matapos madakma ng pulisya sa inilatag na entrapment operation sa Rosemarie Compound, Barangay 8, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Daisy Banaag, 53; at Eden Casupang, kapwa nakatira sa bayan ng Candelaria, Quezon.
Sa imbestigasyon nina SPO4 Renato Pelobello at PO3 Aldin Andres, ang dalawa ay sangkot sa bentahan ng lupaing pag-ari ni Ines Herrera ng Barangay Sipa sa bayan ng Padre Burgos, Quezon kung saan naipagbili sa halagang P1 milyon noong Pebrero 16, 2011 sa mag-asawang Jose, 74; at Guadalupe Tan, 70.
Gayon pa man, binaya ran muna ang mga suspek ng P380,000 at ang balanseng P670,000 ay kukulektahin kamakalawa.
Dito naghinala ang mag-asawa sa ikinikilos ng mga suspek kaya humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Nasamsam sa mga suspek ang tseke, at titulo ng lupa ni Ines Herrera na umanoy may 30-taon ng patay.