SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Matapos ipagbawal ang nganga (betelnut) ay tuluyan na ring ipinagbawal ang paninigarilyo sa bayan ng Lamut, Ifugao bilang bahagi ng kanilang smoke-free program.
Inaprubahan ang panukala ng Sanguniang Bayan ng Lamut, Ifugao na nagbabawal na manigarilyo sa mga pampublikong at pribadong establisyemento sa nasabing bayan.
Nakasaad sa ordinansa na sinumang lumabag ay pagmumultahin ng P200 at 4-oras na community service, P300 naman at 8-oras na community service sa ikalawang paglabag, P500 sa ikatlo at P1.500 naman sa ikatlo na may kaakibat na pagkabilanggo.
Maging ang mga establisyemento ay papatawan din ng kaukulang multa at revocation ng permit o pagkakulong naman sa 30-araw sa ikatlong paglabag.
Ang bayan ng Lamut ay nasa hangganan ng Nueva Vizcaya kung saan nabigyan ng parangal na Red Orchid Award mula sa Department of Health dahil sa seryosong pagpapatupad ng No-Smoking program sa buong lalawigan.
Maging ang pagnga-nganga sa bayan ng Lagawe sa Ifugao ang kabisera ng lalawigan upang maiwasan ang nagkalat na mantsa ng nganga sa mga pampublikong lugar.