^

Probinsiya

Paninigarilyo ibinawal sa Ifugao

- Ni Victor Martin -

SOLANO, Nueva Viz­caya, Philippines – Matapos ipag­ba­wal ang nganga (betelnut) ay tuluyan na ring ipinagbawal ang paninigarilyo sa bayan ng Lamut, Ifugao bilang bahagi ng kanilang smoke-free program.

Inaprubahan ang pa­nukala ng Sanguniang Bayan ng Lamut, Ifugao na nagbabawal na mani­garilyo sa mga pampublikong at pribadong establisyemento sa nasabing bayan.

Nakasaad sa ordinansa na sinumang luma­bag ay pagmumultahin ng P200 at 4-oras na community service, P300 naman at 8-oras na community service sa ikalawang pag­labag, P500 sa ikatlo at P1.500 naman sa ikatlo na may kaakibat na pag­kabilanggo.

Maging ang mga establisyemento ay papatawan din ng kaukulang multa at revocation ng permit o pagkakulong naman sa 30-araw sa ikatlong paglabag.

Ang bayan ng Lamut ay nasa hangganan ng Nueva Vizcaya kung saan nabigyan ng parangal na Red Orchid Award mula sa Department of Health dahil sa seryosong pagpapatupad ng No-Smoking program sa buong lalawigan.

Maging ang pagnga-nganga sa bayan ng Lagawe sa Ifugao ang kabisera ng lalawigan upang maiwasan ang nagkalat na mantsa ng nganga sa mga pampublikong lugar.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

IFUGAO

INAPRUBAHAN

LAGAWE

LAMUT

NUEVA VIZ

NUEVA VIZCAYA

RED ORCHID AWARD

SANGUNIANG BAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with