RAMON, Isabela ,Philippines — Pormal na nanumpa sa tungkulin ang 236 mga bagong operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Community Investigative Support sa Region 2 sa isinagawang oathtaking ceremony sa bayan ng Ramon, Isabela noong Sabado.
Ayon kay P/Senior Supt Flaviano Baltazar, hepe ng CIDG ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng CIDG-CIS ay programa na inilunsad ng PNP sa pangunguna ni Atty. Samuel Pagdilao Jr., PNP director ng CIDG.
Sa mensaheng ipinaabot ni PNP Director Pagdilao sa pamamagitan ni Baltazar, hinikayat nito ang mga bagong miyembro ng CIDG-CIS na tutukan ang mga kasong napabayaan sa kanilang mga nasasakupan upang makatulong sa pag-usad sa mga nakabinbing kaso sa ibat-ibang hukuman.
Bilang mga volunteered multipliers ng CIDG, hinikayat ang mga miyembro na manatiling low profile upang hindi ma burned-out sa mga iimbestigahang kaso.
Hinimok naman ni Mayor Wilfredo Tabag ang mga bagong miyembro ng CIDG na gampanan ang kanilang tungkulin kasabay ng pag-asang mabigyan ng kalutasan ang ibat-ibang patayan sa Cagayan Valley lalo na sa lalawigan ng Isabela.