^

Probinsiya

Gunman dedo sa alalay ng gobernador

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE ,Philippines  —Sugatan at nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang chief security ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado matapos ratratin ng tatlong ’di-kilalang kalalakihan kung saan napatay ang isa sa pakikipagbarilan sa bahagi ng San Vicente Road sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng sugat sa ulo at kanang balikat si ex- SPO1 Ronnie Bardon, 45, ng Holiday Homes Subdivision sa Brgy. Lag-on habang hindi naman nakilala ang isa sa tatlong napatay na gunman sa panulukan ng gasolinahan sa nabanggit na barangay.

Naganap ang pananambang habang lulan ng van (EBF 779)  si Bardon kung saan sinundan at niratrat ng tatlong kalalakihang lulan ng motorsiklo.

Kahit sugatan si Bardon ay nagawa nitong makipagbarilan kung saan napatay ang isa habang ang isa naman ay pinaniniwalaang tinamaan din sa likuran.

Sa ulat ni P/Supt. Allan Ramos, hepe ng pulisya, narekober sa crime scene ang dalawang cal. 45 pistol kung saan nakatakas ang dalawa patungo sa direk­syon ng Barangay Ala­wihao.

vuukle comment

ALLAN RAMOS

BARANGAY ALA

BARDON

BRGY

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGARDO TALLADO

DAET

HOLIDAY HOMES SUBDIVISION

RONNIE BARDON

SAN VICENTE ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with