CAMARINES NORTE ,Philippines - Nabulabog ang isang lokal na himpilan ng radyo matapos na pasukin ito ng isang dambuhalang sawa sanhi ng mga pagbaha sa bayan ng Daet ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.
Bandang alas-2:30 ng hapon, habang gumagawa ng balita sa news room si Nards Hernandez, broadcaster ng Radio OBN-DZMD laking gulat nito ng makakita ng sawa na dumaan sa kanyang tagiliran na umaabot sa mahigit isang dipa ang haba. Hindi naman nasiraan ng loob at agad na nakakuha ng malaking kawayan na siyang ginamit sa paghampas sa sawa na agad namang ikinamatay nito.
Samantalang dahilan sa nararanasang patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan sa Bicol Region simula noong araw ng Undas kayat nagbigay babala ang lokal na mga opisyal na mag ingat sa ahas na posibleng maglabasan sa kanilang mga lungga.