^

Probinsiya

Himpilan ng radio pinasok ng sawa

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE ,Philippines   -  Nabulabog ang isang lokal na himpilan ng radyo matapos na pasukin ito ng isang dambuhalang sawa sanhi ng mga pagbaha sa bayan ng Daet ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Bandang alas-2:30 ng hapon, habang gumagawa ng balita sa news room si Nards Hernandez, broadcaster ng Radio OBN-DZMD laking gulat nito ng makakita ng sawa na dumaan sa kanyang  tagiliran na umaabot sa mahigit isang dipa ang haba. Hindi naman nasiraan ng loob at  agad na nakakuha ng malaking kawayan na siyang ginamit sa paghampas sa sawa na agad namang ikinamatay nito.

Samantalang dahilan sa nararanasang patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan sa Bicol Region simula noong araw ng Undas kayat nagbigay babala ang lokal na mga opisyal na mag ingat sa ahas na posibleng maglabasan sa kanilang mga lungga. 

BANDANG

BICOL REGION

DAET

ISANG

NABULABOG

NARDS HERNANDEZ

SAMANTALANG

UNDAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with