^

Probinsiya

200 rounds ng bala nasamsam

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 200 rounds ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang nasamsam ng tropa ng militar matapos maharang sa inilatag na checkpoint sa kahabaan ng highway ng bayan ng Tamparan, Lanao del Sur kamakalawa.

Sa ulat ni Col. Daniel Lucero, commander ng Army’s 103rd Infantry Brigade, bandang alas-8:50 ng umaga nang masabat ng Bravo Company ng Army’s 65th Infantry Battalion ang naturang mga bala.  Nasabat ng mga sundalo ang asul na multicab (MDY-479) ni Alexander Macalnas, 26, ng Ditsaan Ramain, Lanao del Sur. Gayon pa man, iginiit ni Macalnas na binayaran lamang siya para ibiyahe ang mga bala na nakumpiska sa checkpoint at hindi niya kilala ang may-ari nito.

Pinaniniwalaan namang ang mga bala ng cal. 50 machine gun na nagkakahalaga ng P500.00 bawat isa  ay supply ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nag-oope­rate sa Lanao Province. Isinailalim na sa tactical interrogation si Macalnas  na ngayo’y nahaharap sa kasong kriminal.

 

ALEXANDER MACALNAS

BRAVO COMPANY

DANIEL LUCERO

DITSAAN RAMAIN

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

LANAO

LANAO PROVINCE

MACALNAS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with