2 tulak-droga sinalvage

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines  – Dalawang ‘di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang mga drug pusher ang natagpuang patay sa bisinidad ng Bicol National Park sa Barangay San Jose sa bayan ng Lupi, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Base sa police report, may pala­tandaang pinahirapan muna ang dalawa bago pinatay sa sakal at inabandona sa nasabing barangay sa Maharlika Highway. Nakagapos ang mga kamay, tinakpan ang mga mata saka binusalan ng masking tape ang mga bibig ng mga biktimang nakasout lamang ng shot pant, t-shirts at kapwa nasa 30-anyos.

Show comments