^

Probinsiya

Magnobyang ikakasal nalunod sa beach

- Eva Visperas -

LINGAYEN, Pangasinan  ,Philippines – Naudlot ang matamis na pagmamahalan ng magkasintahan na nakatakdang ikasal sana sa susunod na buwan makaraang malunod sa Lingayen beach sa likurang ng Capitol Buil­ding dahil sa pagsagip sa dalawa nilang kasama­hang nalunod kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Lingayen Community Hospital ang magkasintahang sina Samuel Balmones, 28, ng Barangay Lasip Chico, Dagupan City at Rowena Cuison, 28, teacher at nakatira sa Callejon, Pogo Grande, Dagupan City, Pangasinan.

Base sa ulat, nag-picnic ang grupo ng magkasinta­han sa nasabing beach kung saan namataan ni Cuison ang kasamang si Jovelyn Lantiquis na nalulunod kaya sumaklolo.

Sinundan naman ni Balmones ang kanyang kasintahan kasama ang amang pastor na si Ferdinand Balmones para mag-rescue.

Dahil sa lakas ng alon at may kalaliman ang tubig ay nalunod ang magkasinta­han subalit ang matandang Balmones at si Lantiquis ay nasagip ng Water and Rescue Team.

Nabatid na planong bisitahin ng grupo ng mga biktima ang puntod ng kanilang yumaong kamag-anak sa Eternal Gardens Cemetery sa Dagupan City matapos ang picnic sa nasabing beach subalit bandang alas-7:30 ng umaga ay nakasalubong ang trahedya.

vuukle comment

BALMONES

BARANGAY LASIP CHICO

CAPITOL BUIL

DAGUPAN CITY

ETERNAL GARDENS CEMETERY

FERDINAND BALMONES

JOVELYN LANTIQUIS

LINGAYEN COMMUNITY HOSPITAL

PANGASINAN

POGO GRANDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with