2 NPA rebs arestado

BAGUIO CITY, Philippines – Dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng militar matapos ang madu­gong sagupaan sa liblib na bahagi ng Baggao sa Cagayan noong Huwebes ng madaling-araw, ayon sa ulat kahapon. Pormal na kinasuhan sa Cagayan Provincial Prosecutors Office sa Tuguegarao City ang mga suspek na NPA na sina Bernardo “Ka Hector” Padian Jr., 20; at Nerrisa Pattug “Rantug” Javier, 23, kapwa miyembro ng Cagayan Regional Party Committee ng CPP-NPA na pinamumuan nina Henry Soriano at Jonathan Sandaga ng Henry Abraham Command. Ayon sa hepe ng Nolcom na si Lt. Gen. Jessie Dellosa, sina Padian at Javier ay nasukol ng tropa ng Army’s 17th Infantry Battalion matapos ang sagupaan kung saan apat na NPA ang napatay.

Show comments