16-anyos dalagita pinilahan

BATAAN, Philippines – Naglaho ang matayog na pangarap ng isang 16-anyos na dalagitang hayskul student matapos pilahan ng anim na kalalakihan sa Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Orion, Bataan kamakalawa. Nadakma naman ng mga operatiba ng pulisya sa pamumuno ni P/Insp Ryan Casupanan, ang mga suspek na sina Andrex “Andoy” Trajano, 18; Rowell Rubiano, 18; at ang apat na menor-de-edad na lalaki na pawang nakatira sa nasa­bing barangay. Sa ulat ni P/Insp. Elmer Santiago, hepe ng Orion PNP, nilango muna ang biktima sa bahay na pag-aari ni Chito Garcia saka isinagawa ng mga suspek ang maitim na balak.

Show comments