MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong sibilyan na sinasabing notoryus na drug pusher matapos madakma ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilatag na magkahiwalay na drug bust operation sa North Cotabato kamakalawa.
Kinilala ang mga suspek na sina Diamon Abela, 27; Laheya Ayyub, 26; at si Abdullah Macarambong, 49.
Ayon sa ulat, sina Abela at Ayyub ay naaresto sa buy-bust operation sa bahagi ng Tulingan Street, Bagua II, Cotabato City kung saan nakumpiskahan ng dalawang plastic sachet na shabu at P200 mark money.
Si ex-Chairman Macarambong ng Barangay Pinantao, Parang Maguindanao ay nasakote ng mga operatiba ng PDEA at lokal na pulis sa loob ng foodhouse sa Quezon Avenue, Poblacion 5, sa bayan ng Midsayap, North Cotabato. Nasamsam sa mga suspek ang 2-plastis sachet na shabu.