Truck vs bike: 2 utas

BATAAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa magkaangkas sa motorsiklo matapos masalpok ng 6-wheeler truck sa kahabaan ng Roma SuperHighway sa bayan ng Limay, Bataan kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Senior Insp. Dennis Orbista, deputy chief of police ang dalawang nasawi na sina Ronald Quiambao, 30, driver at Marck Dondo na kapwa nakatira sa Barangay Alas-Asin, Mariveles. Naisugod pa sa Bataan General Hospital ang dalawa subalit namatay din habang sumuko naman sa pulisya ang drayber ng truck (RGC934) na si Jerico Pingad.

Show comments