Lolo inutas ng pulis

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 60-anyos na lolo habang nakatakas naman ang anak nitong binata makaraang pagbabarilin ng pulis na nag-amok dahil sa alitan sa lupa sa Barangay Sta. Rita Matanda sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Francisco Garcia habang nakaligtas naman ang 21-anyos nitong anak na si Franklin. Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si PO2 Arcadio de la Cruz ng San Miguel PNP. Bandang alas-10 ng gabi nang ratratin ng suspek ang matanda habang tinangka naman isunod ang anak nitong binata pero nagawang makatakbo kaya nakaligtas. Sumuko naman ang pulis sa mga kasamahan nito sa Sa Miguel PNP ilang oras matapos ang pamamaslang.

Show comments