45 pasahero sa pantalan pinigil

ILAGAN, Isabela, Philippines — Patuloy na dumagsa ang mga pasaherong na-stranded sa dalawang pantalan sa Cagayan na magbabakasyon sana sa darating na Undas matapos pigilin ng Philippine Coast Guard ang mga barko sa paglalayag dulot ng malalaking alon na sinasabing epekto ng Amihan. Sinabi ni Senior Chief Petty Officer Ernesto Rinon ng Philippine Coast Guard ng Cagayan, aabot sa 20 pasahero na patungong mga isla sa Babuyan strait ang pinigilan sa pantalan ng Aparri. Gayundin sa Port San Vicente sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan kung saan umaabot sa 25 naman ang pinigil na maglayag patungong mga coastal town ng Maconacon at Divilacan, Isabela.

 

Show comments