^

Probinsiya

Probe vs P93-M calamity fund ng Bulacan

-

MANILA, Philippines - Pinamamadali ng Bulacan Chamber of Commerce and Industries sa Commission on Audit (COA) ang imbestigasyon hinggil sa report kung saan napupunta ang P93-M na calamity fund ng lalawigan.

Sa pangunguna ni da­ting provincial board member Teofilo Rivera, sinabi nito na mag-iisang buwan na matapos ang bahang dulot ng bagyong Pedring ngunit wala pa ring inilalabas na kuwenta hanggang ngayon ang panlalawigang pamahalaan maging ang naging gastusin din noong tamaan ng bagyon Falcon ang lalawigan.

Sa isang liham kay COA Chairperson Ma. Gracia Pulido Tan, sinabi ni Ri­vera na nang tumaas ang bahang dulot ni Pedring, mga pribadong grupo ang nakita ng mga Bulakeño na unang namigay ng relief goods sa mga biktima at hindi ang provincial government. “May mga ulat din na may mga barangay na walang natanggap na kahit na anong relief goods,” ani Rivera.

Giit pa ni Rivera na ang mga bayan ng Calumpit, Hagonoy at  Paombong ay kapitbahay lamang  ng Provincial Capitol subalit tulad ng naulat sa media, may mga biktima na ilang araw na ang lumipas bago nakatanggap ng relief goods. “Nasaan ang P32 milyon na sinasabi ng provincial government na nagastos nila para sa relief goods? Sinu-sino ang nakatanggapat saan napunta ang mga ito,” ayon kay Rivera.

BULACAN CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRIES

CALUMPIT

CHAIRPERSON MA

GIIT

GRACIA PULIDO TAN

PEDRING

PROVINCIAL CAPITOL

RIVERA

TEOFILO RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with