^

Probinsiya

4 rebelde patay sa sagupaan, 2 sibilyan sugatan

- Ni Victor Martin -

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines — Apat na hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) na kinabibilangan ng isang amasona ang nasawi matapos ang isang madugong sagupaan sa masukal na bahagi ng  Baggao, Cagayan kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Gamu, Isabela, dakong alas-5:30 ng umaga nang makasagupa ng mga militar mula sa 17th Infantry Batallion ang mga rebeldeng NPA sa Barangay San Miguel, Baggao, Cagayan.

Ayon kay Col. Alvin Flores ng 17th IB isa umanong impormasyon ang kanilang natanggap kaugnay sa mga armadong grupo na nasa nasabing lugar kung kaya’t agad silang rumesponde.

Dito na nagpalitan ng putok ang magkabilang panig na tumagal ng limang oras kung saan d­alawang sibilyan ang iniulat na nasugatan matapos gamitin 'di umano ng mga rebeldeng NPA bilang human shield habang papatakas sa mga tumutugis na sundalo.

Nakuha sa pinangyarihan ng labanan ang isang M16 rifle at shotgun, habang patuloy pa rin na inaalam ang katauhan ng mga nasawing mga rebelde sa pamamagitan ng kanilang mga kamag-anak sa nabanggit na bayan.

vuukle comment

ALVIN FLORES

AYON

BAGGAO

BARANGAY SAN MIGUEL

INFANTRY BATALLION

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

NUEVA VIZCAYA

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with