ILAGAN, Isabela, Philippines - Tatlong mag-aaral sa unibersidad ang iniulat na namatay matapos salpukin ng 10-wheeler truck ang kanilang motorsiklo sa highway ng Barangay Oscariz sa bayan ng Ramon, Isabela kahapon ng hapon. Kabilang sa mga nasawi ay sina Jayson Bukasan, 21, ng Paracelis, Mt. Province; Michael Samon, 17, ng Mayaoyao, Ifugao at si Mean Bukasan ng Barangay Butigue, Paracelis, Mt. Province at pawang mag-aaral sa Ifugao State University sa bayan ng Potio, Ifugao. Agad namang sumuko sa pulisya ang drayber ng truck na si Arnold Aningat na nagsabing ang motorsiklo ng mga biktima ang nang-agaw ng linya kaya naganap ang trahedya. Victor Martin at Raymund Catindig