Chairman binoga ng holdaper

MANILA, Philippines - Patay ang isang barangay chairman matapos na barilin sa harapan ng kaniyang mag-ina ng isa sa limang armadong holdaper na humarang sa mga ito sa Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Chairman Rogelio Estodillo Sr. ng Barangay Katipunan matapos na mapuruhan ng tatlong tama ng bala.

Ayon kay P/Senior Supt. Martin Gamba, tagapagsalita ng Caraga PNP, naganap ang pamamaslang dakong alas-10 ng gabi sa hangganan ng Purok 5, Brgy. Osmeña at Barangay Panaytay, Bayugan City.

Nagawa namang matangay ng mga suspek ang P20,000 cash mula kay Flordeliza Estodillo.

Lumilitaw na pauwi na ang mag-asawang Estodillo kasama ang anak na lalaki nang harangin ng mga holdaper ang sinasakyan pick-up truck.

Hindi pa nakuntento sa malaking halaga ay pinatayo si Chairman Estodillo saka binaril ng tatlong beses sa magkabilang tuhod at ulo kung saan hindi naman ginalaw ang mag ina.

Show comments