^

Probinsiya

4 patay sa landslide

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang apat na miyembro ng pamilya kabilang ang batang babae matapos na maguhuan ng tipak-tipak na bato mula sa kabundukan sa Barangay Bunuanan, Catbalogan City, Samar kamakalawa.

Kinilala ang mag-iinang Maricel Bulan at mga anak na sina Carla, Carlo, at ang 2-anyos na si Mary Carl.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-3:45 ng madaling-araw nang gumuho ang lupa kung saan bu­magsak sa tahanan ng mga biktima na nasa paanan ng bundok.

Ang tahanan ng pamilya Bulan ay kabilang sa walong kabahayan na natabunan ng tipak-tipak na bato sa nasabing lugar.

Ang bangkay ng mga biktima ay magkakasunod na narekober kamakalawa ng hapon matapos na mag­responde ang search and rescue team ng lokal na pamahalaan.

Samantala, ang mga naapektuhang residente ay pansamantala namang kinukupkop sa evacuation center sa nasabing bayan.

BARANGAY BUNUANAN

BULAN

CAMP CRAME

CARLA

CATBALOGAN CITY

KINILALA

MARICEL BULAN

MARY CARL

NALIBING

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with