^

Probinsiya

Paaralan nasunog, P2.4M pinsala

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE , Philippines — Tinatayang aabot sa halagang P2.4M ang pinsala sa sunog na naganap sa Labo Elementary School na ikinatupok ng anim na silid aralan kamakalawa ng hapon. Batay sa ulat na ipinarating ng Labo Fire Station sa bagong upong Provincial Fire Marshal na si Chief Insp. Pablito Demagante,  ang sunog ay naganap bandang alas-5:30 ng hapon at mabilis namang naapula ng mga bumbero na nagresponde sa nasabing eskwelahan na matatagpuan sa Brgy. San Francisco, Labo. Nabatid pa na panahon pa ni Pangulong Marcos ang silid aralan na nasunog na tumagal ng kalahating oras. Dismayado naman ang mga guro at estudyante dahilan sa nadamay ang ilang mga test papers at mga importanteng mga dokumento at papeles sa nasabing sunog. 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CHIEF INSP

DISMAYADO

LABO ELEMENTARY SCHOOL

LABO FIRE STATION

PABLITO DEMAGANTE

PANGULONG MARCOS

PROVINCIAL FIRE MARSHAL

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with