Lalaki nag-suicide sa mall

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang lalaki matapos itong tumalon mula sa ikaapat na palapag ng mall sa bayan ng Imus, Cavite kahapon ng hapon. Basag ang bungo ng hindi pa nakilalang lalaki na tinatayang nasa pagitan ng 25 hanggang 30-anyos kung saan nakasuot ng maong na pantalon, itim na t-shirt na may tatak ng Naruto, mahaba ang buhok, kayumanggi ang kutis at nasa 5’4 ang taas. Ayon sa hepe ng Criminal Investigation and Detection Group P/Chief Insp. Reynaldo Magdaluyo, walang nakitang pagkakakilanlan sa biktima tulad ng ID at tanging pitaka nito na naglalaman ng P300 ang narekober. Lumilitaw na masyadong mabilis ang pangyayari kaya walang nakakita sa pagtalon ng biktima na lumagapak sa semento. Cristina Timbang at Joy Cantos

Show comments