MANILA, Philippines - Dalawang barangay chairmen ang iniulat na napaslang sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng Quirino, Isabela at San Carlos City, Pangasinan kahapon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Chairman Elvis Mariano ng Barangay Cabaruan, Quirino; at Chairman Abraham dela Cruz ng Barangay Mestizo Norte sa San Carlos City.
Si Mariano na tumatayong officer-in-charge sa kanilang barangay ay patungo sana sa blood letting activities nang harangin at niratrat.
Malubha naman ang kasamang barangay tanod ni Marinao na si Edgar Salatarin.
Samantala, si dela Cruz na nagbibisikleta ang pinagbabaril ng mga 'di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Mestizo Norte sa San Carlos City. Ayon kay P/Supt. Marlon Tayaba, si dela Cruz ay ikaapat na opisyal ng barangay ang itinumba sa nakalipas na limang taon.
Kabilang sa napaslang ay sina Chairman Tamondong, Chairwoman Carmelita Torre, at Chairman Alberto Manzon na pinalitan ni dela Cruz kung saan napatay din. Raymund Catindig at Eva Visperas