Pulis nag-suicide o pinatay?

MANILA, Philippines - Palaisipan kung nag-suicide o sadyang pinaslang ang isang pulis sa loob ng kanilang himpilan sa Laoag City, Ilocos Norte kahapon ng madaling-araw. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo si SPO4 Edwin Aquino, 52. Bandang alas-4:20 ng madaling-araw nang uma­lingawngaw ang malakas na putok ng baril sa loob ng himpilan ng Department of Public Safety ng Police Traffic Division kung saan natutulog ang mga kasamahan pulis. Ang biktima ay nakitang duguang nakabulagta na may tama ng bala ng cal. 9mm sa kaniyang ulo at Nabatid na nakapatong pa sa kamay nito ang cal. 9mm na ginamit sa pamamaril. Hanggang sa ngayon ay hindi pa makumpirma kung mismong si SPO4 Aquino  ang nakabaril sa kanyang sarili.

Show comments