^

Probinsiya

10 bata nalason sa palabok

- Ni Raymund Catindig -

ILAGAN, Isabela, Philippines  – Sampung batang mag-aaral ang iniulat na isinugod sa ospital matapos malason sa kinaing pancit palabok sa bayan ng Ballesteros, Cagayan, ayon sa ulat kahapon. Kinumpirma ni Dr. Jay Galno, officer-in charge sa Ballesteros District Hospital na naapektuhan ang mga bata ng acute dehydration matapos kumain ng pancit palabok na sinasabing nagmula sa deep well ang inilagay na tubig sa nasabing pagkain. Nabatid na ang deep well na pinagkukunan ng tubig inumin ay malapit sa palikuran ng eskuwelahan. Magugunita na noong Hulyo ay dalawang mag-aaral sa elementarya ang nasawi habang 40 iba pa ang isinugod sa ospital matapos kumain ng pansit sinantak na sinasabing niluto ng home economic teacher sa pampublikong eskuwelahan sa Barangay Larion Bajo sa Tuguegarao City.

BALLESTEROS

BALLESTEROS DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY LARION BAJO

DR. JAY GALNO

HULYO

ISABELA

KINUMPIRMA

MAGUGUNITA

NABATID

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with